pahinay-hinay lang...
Feb. 19th, 2006 02:39 pmWell, I guess nag-improve na ang cooperation ng prudence noong practice namin nung Friday. Halos lahat nandun, maliban na lang sa mga kailangan talagang umuwi. Nabuhayan talaga ako ng loob nung makita ko silang nagpa-paractice.
Kailangan ko pang ayusin ang "pag-uugnay sa kasalukuyan" madali lang yun, basta suliraning pambansa. Kaasar, Gerry dapat trabaho mo to, eh. Boring kasi ang script, ha. Balang araw mapipilitan ka ring basahin yun. Oo nga pala, sigtag ko?
Enca 2, pilot episode na bukas. Ssa tingin ko, wrong move to ng GMA. Tignan mo ang nangyari sa Etheria. Hindi nila pinagpahinga si Aling Tasing (masa) kaya unti-unti silang na-bore. Sorry sa mga fans, pero huwag nyong ipagkaila na somewhere in the story ay na-drag kayo ng todo. Tapos ngayon, Enca2 na. Siguro kaya nila binilisan ang Etheria dahil di maipagkakaila na masmahina ang ratings nito kaysa Enca at paminsan sa PBB2. Tularan na lang nila sina Juday at Piolo. Minsan sa tatlong taon lang sila gumawa ng romantic flick, kaya hanggang ngayon, sikat pa rin, kahit nandyan na si Ryan...
Bukas, balik trabaho nanaman. Babatiin nanaman ako ng mukha ni Mrs. Midel at ng ibang teachers na tatanungin ako kung bakit di ako nag-run. To hell, with all of you! Hay, lapit na ang prom. Di pa na-aalter ang damit ko. Stress!!!